Share Share on Facebook Tweet Send on Viber

Old books are one of those things that we find hard to get rid of. Whether it’s your 20-year-old encyclopedia collection or your mom’s cooking books, let’s be real, bes, ang hirap mag-let go. While most of these are meant to be shared, some books are destined to become a work of art.

For Sven Lim, transforming book pages into a sculpture is the most effective way to give it a new life. In an interview with the young artist, we got the chance to ask him about how he ventured into this craft.

So how did you start creating book sculptures?

Mahilig kasi talaga ko sa art and crafts. Bata pa lang ako, gusto ko na matuto gumawa ng sculptures. Una, nag-start ako sa wood, kaso ang tigas at medyo makalat. So nag-try naman ako ng soap sculpting, pero madali siyang masira. Hanggang sa nag-try na ko sa paper. Ayun, na-enjoy ko naman siya. Kaya tuloy-tuloy na.

How did you learn?

Self-study lang talaga. Nung nakakita ko sa internet ng book sculpture, tinry ko siyang gayahin. Nung una, ang ginagawa ko lang is yung book na kapag binuksan mo, butas yung gitna. Yung pwedeng paglagyan ng mga abubot. Nung nagtagal, naisip ko na gamitin yung mga nagupit ko na book pages. Naghanap lang ako online ng pwedeng paggayahan, hanggang nagamay ko na.

How did you apply your knowledge as a robotics engineer to book sculpting?

Sa robotics, ang movement ay lines and circles lang. Dun ko na-realize na kaya ko ring gumawa ng sculpture using lines and circles. Kaya kung mapapansin mo sa mga gawa ko, cylinder yung mukha and straight lang siya. Ayun yung na-apply ko, saka syempre yung disiplina.

Aside from book pages, what are the other materials needed to make a sculpture?

Usually, scissors, pliers, and glue lang talaga. Pero minsan gumagamit ako ng wire at bato, kapag kailangan ng ibang elements nung design ko. Tapos nilalagyan ko rin ng kulay yung iba using watercolor. Hindi ako masyadong gumagamit ng acrylic paint kasi mas gusto ko pa rin na kita yung text sa pages ng libro.

Any advice for aspiring book sculptora?

Ginagawa ko ito para ma-immortalize yung mga lumang libro. For me, ito kasi yung way para buhayin ulit yung mga books na hindi na nagagamit. Para sa mga gusto mag-try, alamin niyo kung ano yung talagang gusto niyo. Tapos try to research kung paano mag-start and manood ng videos online. Sobrang laking tulong niya. Tapos practice lang nang practice kahit ilang oras lang araw-araw. Makikita mo na, unti-unti  may progess ka.

Photos from Living Pages

MORE READS:

Share Share on Facebook Tweet Send on Viber